you used to make me smile ;
make me laugh ;
make me feel loved.
hold me tight ;
kiss me sweetly ;
care for me deeply.
you made me remembered you
ever so clearly
...even now that you are gone.
wiw. magpapasko na. pero malungkot ang pasko pag wala ka. nakakatamad ang buhay pag wala ka. malungkot. madilim. parang nail polish na colorless. minsan gusto ko nang maniwalang unfair ang buhay kahit pinagdidiinan ko lang nung isang araw at kahapon na hindi unfair ang buhay. basta. sa mga pangyayari ngayon, para bang nakakatamad na ang lahat.
ang hirap pag sarili at damdamin mo na ang kinakalaban mo. ang dating kase parang niloloko mo sarili mo pag tumataliwas kang gawin yung mga bagay na gusto ng puso mo. basta.
masaya. masaya naman mabuhay kahit puro komplikasyon. dun siguro matetest kung gaano katatag ang isang tao. pero hanggang kelan ako itetest ng buhay? nakakasawa na. ang dami kong alam sa buhay na naibabahagi ko sa iba pero bat pag sa sarili ko na hindi ko na maaply? natatanga ko pag sa sarili ko na. pero nagagawa kong ituwid ang buhay ng iba. nagagawa kong maging inspirasyon sa kanila. pero pag sa sarili ko na, nabobobo na ko. parang simpleng factoring. halos buong buhay kong ginagawa yun pero nung nag-trigo kami kanina para bang nakalimutan ko kung panu magfactoring. wiw. minsan dumadating yung punto sa pang-araw-araw na buhay ko na natatanga ako sa mga simpleng bagay. totoo. nakakatawa. pero at the same time, nakakainis. nasasabi ko na lang sa sarili ko: "waw. ang tanga-tanga ko talaga." basta. gara lang. ewan ko ba kung tangang tao talaga ko na nagpapanggap lang na matino at matalinong tao. hay buhay.
do you think i deserve this?
i have long forgotten how to smile ;ever since you`re gone.