you used to make me smile ;
make me laugh ;
make me feel loved.
hold me tight ;
kiss me sweetly ;
care for me deeply.
you made me remembered you
ever so clearly
...even now that you are gone.
bakit ba karaniwan sa mga tao hindi pinipili ang maging masaya?para bang mas gusto pa nilang malunod o sumagwan sa kalungkutan?bakit ganun?sabi nga nila "happiness is a choice, not destiny."
kapag ba marami kang problema gugustuhin mu nang mamatay o mawala sa mundo?kapag ba nadurog ang puso mo, pati ba puso ng mga taong nagpapahalaga sayo ay dudurugin mo?kapag ba sinimulan at tinapos mo ang araw mo nang pangit ay sisirain mo din ang araw ng ibang tao?
alam kong minsan sadyang mahirap, oo mahirap, maging masaya kapag pakiramdam mo pasan mo ang lahat ng taong mababaho sa mundo. bukod sa mabigat sila, mababaho pa ito. pero anu ba mangyayari kung magmumukmok ka?mababago ba nito ang lahat?
sabi nga ni Basilio kay Simoun sa libro ng el filibusterismo:" wala nang saysay kung maghihiganti pa ako. hindi naman nito maibabalik ang buhay ng ina ko o isang hibla ng buhok ng kapatid ko." [oh well, hindi yan ang saktong nakasulat dun. imbento ko lang pero parang ganyan yung mensahe.]
mababago ba nang lahat ng pagmumukmok mo ang lahat sa buhay mo para maging maganda o masaya ang takbo nito? hindi naman diba?hindi talaga.para saan ang pagmumukmok?pag-aaksaya ng oras at luha?pagpiga nang utak?wala namang magagawa yon.
ayos lang na magluksa.xempre nasaktan, nabigo, nasugatan ang puso, nawalan. ayos lang na malungkot. pero hindi naman buong buhay mo e malulungkot ka na lang na halos araw-araw ipamumuka mo sa sarili mo kung gano ka katanga dahil nagawa mu yon o ano. xempre uso naman ang pagmu-move-on.pwede namang mag-move-on.libre naman yon.
mahirap?oo xempre.malamang mahirap.mahirap umusad sa buhay lalu kung ayaw mu pang umusad dahil sa pag-asang hinahawakan mo. dahil sa paghanap ng butas. pag-asang maibabalik pa ang dati. pero patuloy ang buhay. kawawa ka pag nagpaiwan ka. sa buhay, walang madaling gawin. lahat pinaghihirapan. lahat ng tao ay nakararamdam ng iba't-ibang kahirapan sa buhay.
kahit ako. pero lumalaban ako. pinipilit kong maging masaya sa twing nalulungkot ako. k'se yun ang gusto ko. saka anjan ang sandigan ko, sandigan mo, sandigan ng lahat. ang Panginoon. :)
i have long forgotten how to smile ;ever since you`re gone.