you used to make me smile ;
make me laugh ;
make me feel loved.
hold me tight ;
kiss me sweetly ;
care for me deeply.
you made me remembered you
ever so clearly
...even now that you are gone.

ang tagal kong hindi nakapagpost. madami nang nangyari. maxadong mahaba kung pipira-pirasuhin ko pa. siguro dahil mejo busy-busy na ko ngayon. may ginagawa na ko sa buhay. may napagkakaabalahan na.
ok na ko ngayon. sigurado na ko. :D masaya na ko dahil sa napakadaming dahilan. 1. dumating na si itay. kumpleto na ulet kami. (kahit sa maikling panahon lang.) 2. nakausad na ko sa buhay. (makarelate na ang makakarelate.) oo nakausad na ko. sigurado na ko dun. (kahit pinagpipilitan pa din nung iba na ganun pa din yun nararamdaman ko sa kanya. haay!) tapos na. buti na nga lang e. nasabik ako nun unang araw ng review namin sa school xe makikita ko na yun mga kaibigan ko. :D pero natakot at kinabahan din ako. natakot dahil baka pag nasilayan ko ulit xa, masayang lahat ng pagkalimot na ginawa ko. masayang yung mga panahong pinilit kong isalansak sa isipan ko na hindi na xa magiging akin. na wala na talaga. wala na. hindi ko xa nakalimutan o kung anuman. mananatili xang parte ng nakaraan ko. gustuhin ko man na kalimutan xa sa isang iglap lang, hindi pa din pwede. panahon ang magdidikta kung kelan ko xa makakalimutan o kung makakalimutan ko pa xa.
nasa tapat kami ng principal's office nun nung nakita ko xa. pilit kong iniwas ang paningin ko sa kanya. pero wala e. hindi ko napigilan yung mga mata ko. kinabahan na ko. lalu pa't palapit nang palapit na kami malapit sa kinauupuan niya. hindi ako mapakali. xempre may pagkailang na nadarama. hindi ako makagalaw nang maayos. hindi ko xa pinapansin o tinitignan man lang. kunwari hindi ko xa nakikita, o kaya hindi ko xa makilala, o hindi ko talaga xa kilala. pero hindi talaga natin maloloko sarili natin. alam ko naman sa puso't-isipan ko na kilala ko xa. kahit anung gawin ko, may nakaraan kami. basta.
akala ko may mararamdaman akong "bhogz" pag nakita ko ulit xa. na baka makita ko lang xa e mahulog na naman ako. pero hindi. buti na lang. nung nakita ko xa, kinabahan lang ako. nakakairita kasi xa. tapos, parang wala na.
masaya na ko dun. (yessss!! sa wakas!!)
ito na siguro yung huling post ko tunkol sa kanya.
masaya ko.
3. may bago nang nagpapangiti saken. *ngiti. ngiti.* nagkaroon ako ng dahilan para gumising ng maaga. basta. nagkaroon ako ng dahilan para ngumiti ulet. :D antuwatuwa. nakakatuwa. masaya. napakasarap ng ganitong pakiramdam. mas masarap pa sa chocolate. hindi maipinta, ang aking nadarama. haha. kahit mejo parang mabilis ang mga pangyayari. sige pa din. nakakatuwang isipin na sa dinami-daming tao sa mundo, may makikilala ka kapareho mo ng karanasan sa buhay. (sana nakukuha ng bumabasa yung ibig kong sabihin. ibig ko, kung hindi mo ma-gets, approach mu na lang ako. :D) basta.
hindi ko alam kung bakit xa binigay ng Panginoon saken. pero masaya ako. at handa akong malaman kung bakit xa dumating sa buhay ko. alam kong may matutunan akong panibago. :D
~masaya na ko ngayon. lalu pa't may mga dahilan kung bakit kelangang sumaya.~
[mejo bitin pero pwede na. :)]
[basa lang ha? enjoy! :D]
i have long forgotten how to smile ;ever since you`re gone.