*
*
*
*
*
*
*

and i keep asking myself WHY.

you used to make me smile ;
make me laugh ;
make me feel loved.
hold me tight ;
kiss me sweetly ;
care for me deeply.
you made me remembered you
ever so clearly
...even now that you are gone.

Monday, April 03, 2006

/rooftop..

April 03, 2006 6:44pm

kanina, naisipan kong matulog, kaya lang, tumunog ang cellphone ko at isang kaibigan(kaklase) ang nagtext saken. nawala ang antok ko at maya-maya pa, naisipan kong umakyat sa rooftop namen.(ikatlong palapag ng bahay namen kung saan 1/4 lamang ng kabuuang lupa ang my bahay.ibig sabihin bukas ung natitirang bahagi ng rooftop. kita sa rooftop na un ung hi-way, mga kabahayan, mga puno, bundok, billboard sa may shell, pizzahut sa may shell at iba pa.) umakyat ako dun para abangan at panoorin ang paglubog ng araw(sunset). wala lang. naisipan ko lang na umakyat don at hintayin at panoorin ang paglubog ng araw. (hindi ko nga alam kung anong espiritu o kung sinong diyos ng kung anuman ang sumanib o di kaya'y nag-udyok saken na pumunta at saksihan un..) sinabi ko pa nga yun sa katext ko eh.( ung tungkol sa paglubog ng araw.) sa buong paninirahan ko sa aming tahanan, sa dinami-daming beses akong umakyat sa rooftop na yun,(kadalasan kasi, may kasama ko pag umaakyat ako dun, at iyon ay si mia, isang kaibigan) kanina ko lang naisipan na hintayin at pagmasdan ang paglubog ng araw.(pag umaakyat kasi kami ni mia dito, kumakaen lang kami at nagkekwentuhan. inaabot kami ng dilim pero hindi namin inaabangan ang paglubog ng araw.) nasaksihan ko naman ang paglubog nito.maganda.napakaganda.nakaaakit. nung lumubog na, naupo ako sa isang tabi.( sa maliit na upuang ginagamit sa paglalaba) hinintay ko ang dilim. kumakanta ako habang naghihintay. love songs pa nga ung kinakanta ko. first believed(hindi ako sure sa title e pero kanta yan ni hoku) pa nga un una kong kinanta at nasundan pa ng iba. hindi naman ako inlove pero mga ganung klaseng awit ang inaawit ko. sa katunayan, durog ang puso ko sa mga panahong ito.hehe.(ito siguro ang dahilan ng pagnanais ko na saksihan ang paglubog ng araw at hindi ito dahil sa anumang espiritu o sa kung sinumang diyos.dahil siguro sa sobrang kalunkutan.) sa bagay, hindi lang naman mga taong umiibig ang kumakanta ng ganun. natigil din naman ako sa pagkanta. tumingala ako. napansin kong lumalabas na ang buwan.(naisip ko pa nga:"pano kaya nalalaman ng buwan kung kelan xa lalabas?" tinanong ko din yon sa katext ko at sinabi nyang parang hindi daw ako nag-aral ng science nun elementary.hehe.) gaya ng paglubog ng araw, napakaganda din ng buwan. halos limang minuto akong nakatingala sa langit. blangko. walang iniisip. dumilim na. tumayo ako sa inuupuan kong bangko. tumungo ang paningin ko sa mga ilaw na nagbibigay liwanag sa hi-way. para saken, (sa isang katulad ko na malunkot at "durog ang puso" ) nakakalunkot pagmasdan yung kulay orange na mga ilaw na yun. siguro may naaalala ako(roan, sam, kaye, alam nyo na?..ehem) pag nakikita ko ang mga ganung klaseng ilaw.(ung parang ilaw sa e.k. ..ganun..) oo meron. may naaalala ako. pero basta. habang tinitignan ko yung mga ilaw, napansin ko ang mga sasakyan sa hi-way.(malamang may mga sasakyan nga dun. kahit malayo at mejo nahaharangan ng mga puno at bahay un hi-way e mejo kita pa din ung mga dumadaang sasakyan.) at sa kaliwang banda ng tenga ko, naririnig ko yung pagtalbog ng bola mula sa katapat-bahay naming may manukan at babuyan. habang pinagmamasdan ko ang mga sasakyan, naririnig ko ang pagtalbog ng bola. naisip ko na ang dahilan kung bakit umaandar ang mga sasakyang iyon sa hi-way ay dahil sa nagmamaneho nito.(bukod sa makina, ang taong nagmamaneho ang nagpapaandar nito, hindi ba?) bawat sasakyan ay may kanya-kanyang pupuntahan. may mga tao sa loob ng bawat sasakyan na iyon. mga taong iba-iba ang kwento ng buhay. mga taong may iba-t-ibang dahilan kung bakit patuloy na nakikipagsapalaran at lumalaban sa hamon/laban ng buhay. mga taong naghahanap ng kasagutan sa kanilang mga tanong at kahirapan sa buhay. mga taong naghahanap ng magandang kapalaran. mga taong naghahanap kaliwanagan at direksyon sa buhay.patuloy ang buhay.iyon ang tumatak sa isip ko. na kahit ano man ang gawin ko(o ng iba), hindi ito hihinto. patuloy ang buhay. kailangang sumunod sa agos nito. patuloy ang buhay.patuloy na iikot ang mundo. dadaan ang kalunkutan, kahirapan, kasawian/kabiguan pero lilipas din ito. patuloy ang buhay. patuloy na sisikat ang araw at patuloy na magiging bukas ang rooftop sa paglubog nito.patuloy ang buhay. patuloy na umaandar ang mga sasakyan.patuloy na tumatalbog ang bola.

7:39pm



you with the marble eyes
fragile with porcelain bones
you look at the stars and you wonder why
are you as hungry as i?
(yesterday's news but still new to me)
i can't see meor someone i used to be
i can't see you now
or someone who used to be you
are you someone new?
are you someone i used to know?
have you been there before?
have you seen me before?
when was the last time you cried
i think it was centuries ago
a stake through the heart
and sunrise will keep you away

+porcelain/sunrise:paramita+


[basa lang ha?enjoy!:D]

0nce up0n a time... i believed.
|11:21 PM|


profile; wishlist; blah;

i have long forgotten how to smile ;ever since you`re gone.

TAGBOARD HERE(:

tears
pain
seperation
sorrow
designer

i used to know the sound of a smile in your voice.