you used to make me smile ;
make me laugh ;
make me feel loved.
hold me tight ;
kiss me sweetly ;
care for me deeply.
you made me remembered you
ever so clearly
...even now that you are gone.
April 21, 2005.
mga bandang alas-onse ng gabi.
umakyat na lang ako. pumunta ako sa kwarto ng kuya ko. kesa naman mainis pa ko. doon ko na lang pinagpatuloy yung pinapanood ko. nag-commercial. bigla kong naisip na madami pang bagay ang dapat kong isipin at pagtuunan ng pansin. mga bagay na makaaapekto sa buhay ko, at magiging buhay ko. tapos na yung pinapanood kong palabas tuwing gabi.
agad-agad kong naisipan na umakyat sa pinakapaborito kong lugar sa aming tahanan. ang rooftop. paborito ko yun dahil iba ang nararamdaman ko pag andun ako. para bang nasa iba kong lupalop ng mundo. basta. sa rooftop kasi, nakikita ko at napahahalagahan ko ang kagandahan ng maraming bagay. kahit na iilang mga puno, mga bahay, mga bundok, mga bituin, mga ulap, mga ilaw, at mga sasakyan lang ang nakikita ko, nasisilayan ko pa din ang kagandahan ng mundo. kapag nasa rooftop ako, malaya ako. nararamdaman ko yun. malaya sa kakaibang kalikasan sa loob ng aming bahay. malaya sa mga ingay at kung anu-anung elementong nakasanayan ko. kapag nasa rooftop ako, ingay ng mga rumaragasang sasakyan, ng mga batang naglalaro, ng baboy, manok, aso, ibon at ng hanging masarap sa balat at kaluluwa ang tanging naririnig ko. parang musika. musika na binubuo ng natural na kalikasan. mas masarap yun pakinggan kesa makinig sa tunog na nilalabs ng telibisyon, pagriring ng telepono o ingay na nagmumula sa bunganga ni inay, kuya, ate at jigs. pag nasa rooftop ako, libre kong natatanaw ang paglubog at pagsikat ng araw, libre kong nasisilayan ang ulap, mga puno, mga bundok. libre kong natititigan ang kagandahan at karikitan ng mga bituin na nagtatagisan sa kislapan sa madilim na langit. pag nasa rooftop ako, nailalabas ko kung anuman yung nasa puso at isipan ko.
yun na nga ang ginawa ko. paglabas ko sa pintuan, mga bituin ang bumungad sa paningin ko. natuwa ako. napakangiti. napagtanto ko na mas magaganda pala ang mga bituin kapag gabibg-gabi na. kitang-kita silang lahat. mahahalata ng kung sinumang magnais magmasid dito kung alin sa dinami-daming mga bituin ito ang pinaka-makinang at siyang nagsisilbing hari/reyna sa lahat ng bituin. napakaganda.
hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ko habang pinagmamasdan ang mga bituin. nakaupo ako pero hindi sa upuan. sa sahig. nakaupo ako na parang yakap ko ang mga tuhod ko. (sana nakukuha ng mga bumabasa kung anung klaseng pag-upo ang ginawa ko.)maya-maya pa, sinabi ko sa sarili ko: "gusto kong maging matagumpay sa buhay. sana hindi pa huli ang lahat. susubukan kong pagbutihin ang pag-aaral ko para matupad ko yung mga pangarap ko sa buhay." madami pang pumasok sa isip ko. nakatingin pa din ako sa mga bituin. maya-maya pa, may isang kung anumang bagay ang mabilis na dumaan at naglaho sa kalangitan. shooting star. natuwa ako. inilapat ko ang mga daliri ko sa kanang kamay, sa pagitan ng mga daliri ko sa kaliwang kamay. humiling ako. "sana maging successful ako." sinabi ko pa sa sarili ko na wala naman akong panyo na bubuhulin tapos humiling pa 'ko. pero ok lang. tumayo na ako. tumingin sa malulunkot na mga ilaw. nalunkot ako. (basta bigla na lang akong nabalot ng kalunkutan. gara.) parang gusto kong umiyak. para bang may kung anumang mabigat sa kalooban ko na gusto kong ilabas sa pamamagitan ng pagluha.
"ang laki ko na pala. pero bakit parang wala pa din akong alam sa buhay? palapit na ko nang palapit sa tunay na mundo pero bakit immature pa din ako? anu kaya magiging buhay ko? halos lumaki pala akong walang tatay. sobrang hirap na pala yung nararanasan ng itay ko dahil sa pagtatrabaho. tapos malayo pa xa samin. tapos ako, hindi ako nag-aaral nang mabuti. tapos pinasama ko pa yung loob niya. napakasamang bata ko."
...kung anu-anu pa ang pumasok sa isip ko. nainis ako. nalunkot. umiyak. oo umiyak ako. unang beses ko yun na umiyak nang wala akong kasama. ( nalilalabas ko kasi yung lunkot ko o sama ng loob pag may kausap ako.) basta. hindi kasi ako umiiyak ng parang walang dahilan. ewan ko ba. basta umiyak na lang ako. na parang walang dahilan. nalunkot lang ako. tapos yun. parang gusto kong umiyak. umiyak nga ako.(siguro ganun yung nararamdaman ni maria kaya bigla-bigla siyang umiiyak nang parang walang dahilan.) basta. malunkot yung pakiramdam at sa sobrang kalunkutan, parang pag-iyak na lang ang tanging solusyon para maibsan lahat ng sakit at kalunkutang nakapaloob sa puso ko. ang pagtingin ko sa malulunkot na ilaw ang nakakapagpatindi sa kalunkutang nararamdaman ko. habang umiiyak ako, napakadaming mga bagay ang naiisip ko na lalong nagiging dahilan ng hindi pagtigil ng pag-agos ng luha sa mga mata ko. bagay na hindi ko makalimutan. basta.
binuhos ko na lahat ng lunkot ko sa pag-iyak ko. hindi pa din pala ako ok. pero natutuwa pa din ako kasi hindi na ako tulad nang dati. naisip ko pa na napakatagal ko nang hindi umiiyak. buti na lang pala umiyak ako. lulusog ang mga mata ko at gumaan ang pakiramdam ko.
tila naubos na ang mga luha ko. ibinaling kong muli ang paningin ko sa kalangitan na may magagandang bituin.
nasaksihan ng kalangitan at mga bituin ang pagluha ko.
hindi masama ang umiyak. hindi masamang iyakan ang isang taong nawala sayo na nagkaroon ng magandang parte sa buhay mo. (lalu na kung hindi na siya maibabalik sa piling mo.)
hindi masama ang umiyak. minsan ito ang nagiging susi sa paggaan ng loob ng isang taong nalulunkot o may poot sa puso. hindi masama ang umiyak lalu na kung karapat-dapat ang taong aalayan mo ng luha. hindi masama ang umiyak. hindi nakatataba. malusog ito sa mga mata.
gaya nga ng nakasaad "mala-award-winning-piece na reflective essay" ni khaela(hindi ito yung eksakto pero malapit na sa eksakto.) : tears are more meaningful than smile, for a smile can be given to anyone, whether you know him/her or not, but a simple drop of tear can be only given to the people you don't want to lose.
napakatotoo. :D
[basa lang ha? enjoy! :D]
i have long forgotten how to smile ;ever since you`re gone.