*
*
*
*
*
*
*

and i keep asking myself WHY.

you used to make me smile ;
make me laugh ;
make me feel loved.
hold me tight ;
kiss me sweetly ;
care for me deeply.
you made me remembered you
ever so clearly
...even now that you are gone.

Monday, April 10, 2006

/napakatamis na pagkakamali..

alam kong mali, pero ginawa at pinagpatuloy ko pa din. mali kasi committed pa xa noon. pero sabi nya masaya xa. sabi pa nga nya na ako lang daw ang nakagawa nun. na hindi ganun yung girlfriend nya. sinabi nya na may girlfriend nga xa pero hindi naman daw "expressive". sinabi nya pa na seryoso daw xa sa mga salitang binitawan nya. kaya sige lang ako. yung saya na naidulot ko sa kanya ang naging puhunan ko. at isa pa, masaya din naman ako e. masayang-masaya. mas masaya pa sa inakala nya. akala ko noon, puso lang namin yung nagkakaintindihan. kaya hinayaan ko. akala ko naguguluhan pa sya. na humahanap pa xa ng magandang tyempo. o hindi pa xa makapamili. akala ko kinailangan pa nya ng panahon para makapag-isip at makapagdesisyon. hinayaan ko lang. mahalaga nagkakaintinihan kami, at ganun din ang puso namin. at higit sa lahat, masaya ko, at ganun din xa. noon lang ako nakadama ng ganong kasiyahan. basta. mahirap ipaliwanag pero masaya. masaya talaga. masarap sa pakiramdam. at xa lang ang nakapagpadama sakin ng ganung pakiramdam. at sa kanya ko unang pinadama ang pag-ibig ko. nagpatuloy yun. nagpatuloy. masaya. masarap sa pakiramdam. akala ko noon yun na yung tinatawag na "bawal na pag-ibig". pero hindi pala. kasi pag sinabing "pag-ibig", tumutukoy yun sa dalawang taong nagmamahalan/nag-iibigan. hindi naman pag-ibig yung samin e. bakit? e kasi ako lang naman yung nagmamahal. basta. ako lang yung nagmamahal. madaming pangyayari ang nakapagpatunay nun. [pasenxa na kung minamadali ko ang agos ng mga pangyayari] maxadong madami para pagkaxahin ko pa dito. basta. malabo ang pagkatao nya.

sa'yo lamang ilalaan, ang isang ligayang walang hanggan,kahit na nagsasalo tayo sa isang kasalanan.
+lihim:orange and lemons+


wala na. sigurado na ako dun. ayoko nang umasa pa. tama na yung 2 o 3 beses na pinaniwalaan ko xa. masaya na naman xa sa buhay nya. dapat ako din. hindi naman ata patas na xa masaya sa piling ng iba tapos ako malunkot dahil sa kanya. dapat kung masaya xa, masaya din ako. dapat maging masaya na ako sa kung anuman o sinuman ang meron ako. pero hindi eh. hindi pa din ako masaya. hindi naman kasi nabigyan ng linaw ang lahat.(gaya ng gusto ko) yun yung sinabi nya noon. na pag-uusapan namin. personal pa nga daw. pero wala naman. kinabukasan bumalik kami sa dati. na parang walang nangyari. hindi na ulit kami nagpansinan. hindi na nag-usap. nag-iwasan. pero nagdaan ang mga araw. naisip ko na isantabi muna yung "hindi pagiging malinaw ng mga bagay". naisip ko kasi na parang ako lang yung nahihirapan sa sitwasyon. bumalik naman ulet kami sa dati. nag-uusap. nagpapansinan. pero hindi na ganun kapalagay yung loob ko sa kanya. hindi na kami tulad ng dati. pero hindi pa din nabago yung nararamdaman ko para sa kanya. mas lalo pa ngang tumindi. (wow!) simula nun, pag nag-uusap kami,(ng kami lang dalawa) naiilang na ko.(hindi tulad ng dati) pag kausap ko xa, o yung simpleng magkalapit lang kaming dalawa, pakiramdam ko lahat ng mata nakatuon samin. kaya naiilang ako. masaya ko pag kausap ko xa. (kahit na minsan eh hindi ko naiintindihan yung mga pinagsasasabi nya. kahit na minsan wala kaming mapag-usapan na matino.) masaya ko pag pinagtutuunan nya ko nang pansin. masaya ko sa tuwing malapit xa sa tabi ko. yung tipong gusto ko ganun na lang kami habangbuhay. (sa kanya ko nakuha yung katagang yun) yung tipong magkatabi lang kami. walang imik. dinadama ang simoy ng kung anumang hangin. dinadama ang presensya ng bawat isa. ang sarap ng pakiramdam.


gusto ko pa din sanang paniwalaan yung mga sinabi nya noon. gusto ko pa ding umasa na kahit konti, may naramdaman xa para sakin. ( gaya ng nararamdaman ko para sa kanya) gusto ko pa din humanap ng kaibahan sa pagitan nung nangyari samin at sa kanila nung iba pa nyang babae. gusto ko pa ding humanap ng butas. pero kaibigan lang ang tingin nya sakin. at hanggang dun na lang. sa kanya mismo nanggaling yun. na sinubukan nya (daw)pero hindi nya kinaya. na hanggang dun lang. na kaibigan lang talaga. masakit. nakakalunkot. pero at least gusto nya magkaibigan pa din kami.


siguro hindi ko pa matanggap yung mga nangyari. hindi ko pa siguro matanggap na walang totoo sa mga naganap sa pagitan namin. na wala lang sa kanya ang lahat. kaya pilit pa akong naghahanap ng butas. umaasa. pero wala naman akong napala. ganun din. pero sa lahat ng kasinungalingang nangyari, isa lang ang hindi mababago, minahal ko xa, at yun ang totoo.


ayos na (siguro) yung ganito. magkaibigan. buti nga magkaibigan pa e. kesa naman wala. siguro kailangan pa ng panahon para makilala ko xa. at ganun din xa sakin. para nga naman hindi kami nagkakagulo. masaya na naman xa sa buhay nya. (lalu pa ngayon na may bago na (ata) xang iniibig.) masaya ako para sa kanya xe alam kong kailangan nya nun. ng taong magmamahal sa kanya ng sobra-sobra. ng taong iintindi sa (mejo) magulo nyang pagkatao, at taong tatanggapin at mamahalin xa ng buong-buo sinuman xa at anuman ang nakaraan nya. mabuti yun para hindi na xa lalapit sakin at sasabihing malunkot xa dahil walang nagmamahal sa kanya. (asows, e anu tawag mo saken? mahal kaya kita. mahal na mahal. mahal kita higit pa sa pagmamahal sayo ng iba. mahal kita. mahal na mahal na mahal. alam mu naman yun diba? at isa pa, mahal ka ng Panginoon. :D) sana matuto na xa. sana mahalin na nya ng tapat at totoo yung minamahal nya. at sana ganun din yung minamahal nya. sana mahalin din xa nito ng tapat at totoo. (dapat alagaan nya nang mabuti yung nag-iisang **** sa buhay ko. :D) sana wag na xang maghanap pa ng iba para wala nang masaktan.

di makapaniwalang tapos na ang lahat sa atin at di ka na magiging akin kahit na, andito pa rin ako umaasa..
+takipsilim:paramita+


sana maging maligaya na xa, hindi nga lang sa piling ko, kundi sa piling nung totoong mahal nya. at ako, alam kong liligaya din ako, hindi nga lang sa piling nya. sa piling siguro nung taong magmamahal saken ng higit sa inakala kong pagmamahal na pinadama nya. magiging maligaya din ako. tulad nang kaligayahan na nararamdaman mo ngayon. sana mas maging maligaya ako. mas maligaya sa kaligayahang naramdaman ko nung inakala kong nagmamahalan tayo.*aauuhh*


kung pahihintulutan ako ng isang time machine, ibabalik ko yung panahong magkasama tayo. magkasama tayo simula umaga hanggang sa maggabi. hinayaan kitang ikulong mo ako sa mga bisig mo at napakinggan ko ang pintig ng puso mo. hawak mo ang kamay ko, hawak ko naman ang iyo at hinayaan kitang matulog sa kandungan ko. akin ka. yun ang tumatak sa puso't damdamin ko nung araw na yun. sana pala nanatili na tayo dun habangbuhay.(gaya ng sinabi mo) sana pala hindi na kita binitawan. sana pala nilubos ko na yung pagkakataon. yun na yung pinakahuling pagkakataon na naramdaman ko ang mainit mong mga kamay na nakadampi sa mga kamay ko. sana talaga hindi na kita binitawan. hindi na pala yun mauulit pang muli.

maaari bang dinggin ang natatangi kong hiling. sana ay makapiling kang muli kang masilayan at muli kang mahagkan. sana'y di na iwan pang muli.
+muli:parokya ni edgar+


siguro dapat kalimutan ko na yon. ay! hindi kalimutan. siguro dapat itago ko na lang yon sa puso ko. kung saan walang makakakuha noon. ang tanging alaala na naiwan mo sakin. matamis na alaala ng nakaraan.

kamusta na? anjan ka pa ba? wala na yatang ibang magagawa kundi tumawa. anjan pa ba, mga ala-ala? ang tanging bagay na naiwan sa 'ting dalawa.

+mata:mojofly+


sana sa susunod, pag makakaalala ako ng mga bagay tunkol sayo (at saten), hindi na ako masaktan.
sana isang araw, magising ako, at sa paggising ko na yon, sana hindi na kita mahal. sana bigla na lang maglaho yung nararamdaman ko kasabay nung mga alaala ko sayo. at ganun din yung kalunkutang dinulot mo sa buhay ko.


gusto ko pa sanang mahalin ka. gusto ko pa sanang magpakabaliw at magpakatanga sayo. gusto ko pa sanang masaktan kung ikaw ang dahilan. gusto ko pa sanang damhin ang pagmamahal mo.( kahit hindi totoo.) gusto ko pa sanang maniwala sa mga biro mo. gusto ko pa sanang umasa, kaya lang hindi na pwede. hindi na uubra. wala nang patutunguhan pa. pag-aari ka na ng iba. *buntong-hininga*


hindi kita malilimutan. hindi na mabubura ang puwang na inukit mo sa puso ko.


isa ka sa pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. napakagandang bangungot. napakatamis na pagkakamali.




ay,wag naman
alisin ang nag-iisang panaginip
na ika'y magbabalik
nagsasamang masaya
at walang pagkukulang

at ngayong wala ka na
hindi alam kung san magsisimula
ang ngayon,bukas,kailanman
nagiba
wala bang bukas...

ay,bahala na
ang tanging narinig
wala ka bang ibang masabi
wag ka ng magalala
iniintindi ko
ang lungkot na ginawa mo

at ngayong wala ka na
hindi alam kung san magsisimula
ang ngayon,bukas,kailanman
nagiba
wala bang bukas..

paulit ulit mananaginip
pagising ko'y wala pa rin
hindi maamin, ilang dalangin
wala na, wala ka
wala na..

+i:6cyclemind+








[basa lang ha? enjoy! :D]

0nce up0n a time... i believed.
|8:15 PM|


profile; wishlist; blah;

i have long forgotten how to smile ;ever since you`re gone.

TAGBOARD HERE(:

tears
pain
seperation
sorrow
designer

i used to know the sound of a smile in your voice.