masaya ko. maligaya. natutuwa. kabibisita ko lang sa blog ng ibig ko. at nabasa ko ung latest post nya.(http://www.tawaroantawa.blogspot.com ) napakagandang araw(pero malunkot xa nung araw na un?) ung title. nagulat ako nung nabasa ko un. (nagulat sa pagkatuwa) wala lang. tinext nya kasi ako nun. (april 4? tama ba?) nakalimutan ko na kung anu mismo ung text nya at kung anong oras un. pero parang ipinaalam nya sakin na malunkot xa dahil sa kalagayan nya. dahil sa mga bagay na gusto nyang gawin pero hindi pwedeng gawin. dahil sa ilang dahilan. xempre, ako, bilang isa sa mga kaibigan nya, gusto ko xang tulungan. gusto ko xang mapasaya. o kung hindi man, mapangiti man lang. bigla ko xang hindi nireplyan. gabi na ata nung tinext ko xa ulit eh. (nag-isip kasi ako ng paraan para matulungan at mapasaya xa). sabi ko alam ko na kung anu pwede nyang gawin. sinabi ko na pwede nyang panoorin ang paglubog ng araw. nireplyan nya ko ng: "nyahaha..di ko naisip yon"( hindi ako sigurado kung ganyan nga..pero may "nyahaha"). dahil dun sa nyahaha na yun, akala ko, akala nya na nagbibiro ako. kaya sinabi ko na pwedeng gawin ng kahit sino un. tinanong ko pa nga xa( gaya ng nakalagay sa post nyan) kung napasaya ko ba xa o napangiti man lang.. oo naman ang sinagot nya.(akala ko pa nga nagpapanggap lang xa kaya hindi ako maxadong natuwa. pakiramdam ko ala akong natulong.) nagpasalamat xa.. sinabi nya na napagaan ko ung loob nya.. na mejo magaan na ung pakiramdam nya..(naniwala na ko. napagaan ko naman pala talaga. :D) sobrang natuwa ako nung nabasa ko ung reply nya. :D kasi xempre napagaan ko ung loob nya kahit pano. napasaya ko xa kahit pano. malaking bagay na sakin yon. sobrang masaya na ko sa ganon. xempre iba ung pakiramdam. iba ung pakiramdam na makatulong ka sa isang kaibigan.
-----------------------------------------------------------
naisip ko, mas marami pang ibang tao ang may mas malalang kinakaharap na pagsubok sa buhay buhay nila. masasabi kong mapalad ako(kahit hindi maxado sa buhay pag-ibig) dahil maaari ko pang masilayan ang kagandahan ng pagsikat at paglubog ng araw. hindi katulad nung iba, gustuhin man nila, hindi na pwede kasi wala na ung paningin nila.(o kung hindi man wala, malabo na) buti pa ko, pwede pa kong maglakad, tumakbo, tumalon at tumayo ng matagal. samantalang ung iba, gustuhin man nilang magjogging tuwing umaga, gustuhin man nilang mag-alay lakad, gustuhin man nilang maglakad sa damuhan o bukiran, gustuhin man nilang magtampisaw sa batis, gustuhin man nilang makipaghabulan, o ung simpleng pagtayo, hindi (na) nila magawa, dahil hindi (na) sila makalakad o makatayo man lang.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
dapat maging masaya na tayo sa kung anuman o sa kung sinuman ang meron tayo. dapat magpasalamat. magpasalamat pa din tayo kahit na gumigising tayo uma-umaga na may problema pa din sa buhay. mahalaga buhay tayo at patuloy na lumalaban. pero siguro hindi ko pa (rin) talaga lubusang naiintindihan ung kalagayan ng ilan kaya ko nasasabi 'to. pero gaya nga ng sinasabi ng iba, may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay. hindi dapat maging hadlang yung mga pagsubok na kinakaharap natin sa ating kaligayahan. sa halip, dapat tayong pumulot ng aral dun sa mga pagsubok/problemang yun. at kung may pagsubok sa buhay, ialay lang natin un sa Panginoon.(lift up your hands to God and He'll make you feel alright.. :D) pakikinggan Nya tayo. :) marami pang ibang bagay (napakarami) ang maaaring magpaligaya satin.( gaya ng paglubog ng araw, para sakin.) o yung simpleng pagmasid sa kapaligiran.(ganun kasi ginagawa ko pag hindi maxadong mabuti ang pakiramdam ko. at gumagaan naman ang loob ko at marami akong napagtatanto sa buhay. totoo. :D)
############################################################
[sa mga bumasa]
sana may napulot kayo dito sa mga pinaglalalagay ko dito. ^^. sana napangiti ko din kayo. :D
[sa ibig ko]
ibig ko.. sana may napulot ka.. ^^. masaya talaga ko dahil nakatulong ako. ^^. andito lang ako.. mahal na mahal kita ibig ko.. ^^. be happy.. you deserve to be.. :D
&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&
[ basa lang ha? enjoy! :D ]